Balikan Nga Natin

Kumusta na, mga katoto? Medyo matagal rin kaming nawala, ano po? Mga five months din.

Sa mga kaunting sumusunod sa blog na ito, pasensya na po sa aming pansamantalang pananahimik. Medyo naging mainit po kasi sa OMB simula noong lumabas ang blog na ito. Kung ano-ano pong mga imbestigasyon at pang-iipit ang ginawa ni Rackets para matunton kaming mga nangangasiwa sa blog na ito. Ilang mga kasamahan namin na napaghihinalaan ay idinadaan niya sa interogasyon at pananakot. Nakakaawa naman sila’t napasasaringan sila ng walang kamalay malay. Ngunit gustuhin man naming umamin para matigil na ang pag-init sa kanila, sayang naman ang mga nagawa na namin para ipahayag ang mga milagro sa OMB. Kaya minabuti naming mag lie-low. Palamig muna kumbaga. Pasko’t Bagong taon rin naman nung panahon na iyon kaya ayus lang din. At least hindi ganun kagulo ang mga Pasko namin.

Sana po’y napansin niyo rin na mas seryoso ang tono ng panulat namin ngayun. Kung dati-rati’y naglalagay pa kami ng mga personal na hirit at mga nakakatawang litrato, ngayon po’y medyo mababawas-bawasan na ito. Seryoso na po ang laban. Hindi na po kami mga iritadong empleyado ng OMB na naglalabas lang ng kanilang mga saloobin sa isang blog para lang marinig ang aming mga hinaing. Dinala na po namin ang aming mga daing sa Commission on Audit.

Ang susunod na mga imahe ay mga scan ng actual na sulat na pinadala namin kay Grace Pulido-Tan, Chairperson ng COA:

Kasalukuyan din po kaming tinutulungan ng mga abogado upang ma-i-usad ang pormal na pagsampa ng kaso laban kay Ronnie.

Hanggang sa muli. Iyan lang po muna ang maibibigay naming update ngayun.

Advertisements

RESBAK NI RONNIE

Hindi lang ikaw ang astig, Chairman. AMBIBIGAT PA NG RESBAK MO! Ikaw na talaga, Chairman! Ikaw na ang super gangster ng OMB! Bakit ko nasabi ‘to? Read on and be enlightened, mga kapatid.

Nakatanggap ang poging blog administrator ng ombexposed ng notification mula sa host site. Aba, mukhang nagtatanong ang US EMBASSY sa ‘Pinas tungkol dito sa blog, at kumakalkal ng impormasyon! Of course, hindi na kami nagtaka kung bakit. Eh yung asawa ni JENNIFER ORTIZ – isang Economic Counselor ng US Embassy at siya ring taga-oversee ng US interests sa OMB – eh regular player sa basketball games ni Chairman! As in never absent, always present sa laro! Ewan lang namin kung binabayaran din siya ng P10,000 kada game. Hay, buhay nga naman. Buti na lang hindi basta bastang nagpapadala yung host site.

I admit, medyo malaki ang ngiti naming mga ROA (Reform OMB Agents) ngayon dahil mukhang kumakalat na ang blog. Balita namin, panay ang tanong ni Oca Maglalang ng Golden Media Mile kung may chance na mabubulgar ang pangalan niya dito. Huwag po kayong magalala, Oca Maglalang. Promise po, hinding-hindi namin isusulat ang pangalang Oca Maglalang o ang kompanyang Golden Media Mile dito sa blog. At mas lalong hindi namin ikekwento ang payola ninyo kay Chairman, naku iiwasan namin yang topic na yan.

Dumadami na ang ROA, Chairman. Tignan mo ng mabuti tuwing minumura mo kaming mga OMB Agents mula ulo hanggang paa. Baka mapamura ka mas lalo pag nalaman mo kung gaano na kami karami.

OMBagan Na!

Bilang paunang salita, gusto lang naming sabihin na kami’y natutuwa at umusbong ang awareness tungkol sa blog na ito. Nagpapasalamat kami sa mga nagbasa. Naniniwala man kayo sa content ng blog na ito o hindi, ang bawat isang view na nakikita namin sa stats ay tinatanggap namin bilang show of support sa ginagawa naming ito. Kaya maraming salamat po sa mga nag-tweet, nag-facebook, nag-chismis, at nagpakalat sa blog na ito. Sana po’y nakikita niyo ang kabuluhan ng aming mga pinagsusulat.

Dahil nga sa pagkalat ng blog na ito, sumagot na rin po si Chairman via Yahoo OMG Aba! ang galing ng sagot; eloquent, parang aral. Mawalang galang lang po boss, pero kilala po namin ang tono ng boses niyo; medyo hindi po kapani-paniwalang kayo ang sumagot ng ganyan sa isang “phone interview”. Kung si Atty. Cyrus Valenzuela (legal advisor ng OMB) ang nakausap nila, mas maniniwala pa kami. Ganyan kasi ka-swabe mga tirada ni attorney, hindi kagaya mo na tumitiklop na parang makahiya kung may kontrobersya.

He thuggin’ in da streets, yo!

Kung matatandaan natin, noong nakaraang 2010 Elections, nag-file ng request for Gun Ban exceptions ang OMB. Nag-submit si Chairman ng mahigit 200 requests para sa exception, kahit wala namang 200 agents ang OMB. Sa sobrang “bait” kasi ni boss, pati mga hindi agent — again, mga ka-tsokaran ni Chairman — sinama niya sa request. At siyempre, naamoy ng media ito.

Barkada ni Ronnie tuwng eleksyon

Anong ginawa ni Ronnie? Martial arts ulit; Aikido naman! Pinasa kay Atty. Cyrus, kasi nga mas marunong humarap sa media ito. Kaya malamang si Attorney ang tumira ng mga sagot na ito.

Nakakaawa nga lang si Attorney. Mahirap sagutin ang mga pinagbubunyag namin dito kasi ito ay pawang katotohanan. Ebidensiya pa lang, olats na. With respect to Atty. Cyrus, you did your best. Nirerespeto namin si Atty. Cyrus, siya ang isa mga okay na tao dito sa OMB at alam naming ginagawa lang niya ang trabaho niya. Kaya huwag niya sanang personalin ang pag-contra namin sa statement nila. Here goes:

Ronnie: “I’m not corrupt.”

OMB Exposed: Malamang yan ang sasabihin mo! Alanganamang umamin ka, diba? Pero siyempre, kung may ebidensiya na’t ganyan ka pa rin, iba na yun.

Ronnie: “We have pending cases and we will file administrative charges on the concerned party once we find sufficient evidence of piracy,”

OMB Exposed: Alam naman namin ang proseso. Huwag mo kaming insultuhin. Ang tanong lang ay bakit walang follow-up o conviction? Lalo na sa mga malalaking isda.

Ronnie: “Neither is it true that our office raids only pirates who have no money,”

OMB Exposed: To be fair, misworded yung unang entry kaya tama ka diyan. Lahat naman talaga ni-re-raid, kung sino lang may nagbibigay yung binabalik yung goods, habang yung mga wala yung makakaramdan ng “full force of the law”. O, ayan, tama na.

Ronnie: “If I’m gonna give money to somebody, will I display it in my office? At sino naman ang tangang magdadala ng pera sa office ko? I don’t even close my door!”

OMB Exposed: Yun nga, e! Hindi ka man lang nagsasara ng pinto habang kumakamada ka! Pakshet.

Ronnie: “The movie and recording labels are supporting me. Industry people, like Senators Bong Revilla, Jinggoy Estrada and Lito Lapid, Governors Vilma Santos and E.R. Ejercito, Wilson Tieng, Dominic Du, Vic del Rosario and others are supporting me,”

OMB Exposed: Backer namin pangalan ‘Jesus’. Ano? Papalag ka pa?

Ronnie: “When you’re doing good things, this is what happens.”

OMB Exposed: Wheeeeeeeeee… Di nga?

Suntukan na lang daw!

“Lecheng Basketball!”

Sa mga nanonood ng Word of the Lourd, malamang narinig niyo nang sabihin ni Lourd De Veyra (Ser, kung nababasa niyo ito, gusto lang po naming sabihin na idol namin kayo) yung title ng post na ito. Ngayon sa OMB, sinasabi rin namin lagi yan, pero hindi sa rason na kapareho ng kay idol.

Yan ang tindig na pang idol! Hindi yung pa-arnis-arnis pa.

Hindi naman kami inis sa basketball mismo. In fact, gustong-gusto rin namin ang larong ito. Masaya, mabilis, nakakapawis. Feeling naming lahat kami si Kobe Bryant kung mag-dribol at mag-shoot. Ang kinapuputok ng butsi namin ay hindi magiging masaya ang pasko naming mga OMB agent dahil sa putakteng basketball na yan. Read on and be enlightened.

Mahilig mag-o-organize si Rackets ng mga exhibition basketball games na kasama ang mga artistang kaibigan niya. Nag-tour sila sa mga probinsya para i-promote daw ang anti-piracy. Dun pa lang sa description na yun, parang ang saya, diba? Andun na ang tatlong pinakahilig ng pinoy: PBA – Pulitiko (na artista din), Basketball, at Artista. Saan ka pa? Ilabas ang pom-poms!

Waw! Artis… Ay… Si Dinky Doo lang pala.

Pero sa totoo lang, sila lang ang masaya. Paano ba namang hindi? E, bawat isang artista (na panay ka-tsokaran ni Chairman) na sumali ay may honorarium na umaabot ng P9,000 hanggang P10,000. Grabe, pati ba naman sa liga-ligahan may talent fee pa ang mga mokong na ito?

Gumagastos ang OMB ng P220,000 sa bawat exhibition game.

At saan kinukuha ang pambayad sa mga ito? Doon ba sa buwanang karate ni Chairman? Sana kung ganun nga. Pera niya yun; sariling delihensiya, nakaw, raket kayod niya yun. Kaso, hindi e. Kinukuha niya yun sa funds ng OMB, SA MGA BONUS NAMING MGA AHENTE! Yep, taxpayer’s money yan.

Pwede niyong sabihin, “Sus! Naiinggit lang kayo kasi hindi kayo nabigyan ng pera.” Ang sagot namin diyan, “OO, TANGINA, NAIINGIT KAMI! IKAW KAYA TANGGALAN NG CHRISTMAS BONUS! Tingnan natin kung nakangiti ka pagdating ng Noche Buena, PAKSHET!” Kumikitang kabuhayan na nga siya dun sa raket niya, kinuha pa yung para sa amin para ipamahagi lang sa mga kabarkada niyang laos na!

Kaya sa ngayon, kahit gusto namin ang sport na basketball, nauumay kami tuwing nakakita kami ng bola. Kapareho kasi ng hugis nito yung halagang matatanggap namin sa pasko.

Iisipin ko na lang na hamon de bola ito.

Lecheng basketbol!

Mahirap Talagang Maging Pogi

Aaminin namin. Malaki ang lamang sa paligo ni Ronnie Ricketts sa amin. Mestiso siya, ulikba kami; Athlete siya, “At least nag-e-exercise” lang kami. Iba talaga kapag-artista, parang mas madali ang lahat. Madaling makihalibilo sa mga tao, madali kang pagkatiwalaan, at madali kang pansinin.

To be fair, mahirap din naman siguro ang kalagayan ni boss Ronnie bilang pogi (or pa-pogi). He always has to keep up with appearances, kaya kailangan laging maayos ang tindig. Hindi pwedeng magaspang sa tao kasi kailangan ngang i-maintain ang image mo bilang bida. Mahirap maging pogi. At mas mahirap din siguro mag-bilang ng limpak-limpak na salapi kung matindi-tindi ka rumaket.

Magaling mag-arnis pero mas matindi kumarate.

Bilang isang OMB Agent, hindi ganun kalakihan ang kinikita namin kumpara sa mga bossing. Tanggap na namin yun. Kumbaga, “we signed up for this shit!” Pero ang hindi nabibigay ng sweldo, siyempre, yung feeling na may nagagawa kaming makabuluhan, kagaya ng pagpigil sa piracy.

Nakapost sa ibaba ang mga performance report ng OMB mula January until June 2010. Unfortunately, hindi pa namin napupuslit ang ibang performance reports pero hindi na rin kailangan kasi wala rin namang pagkakaiba. Makikita sa mga report na, sige, marami ngang raid pero WALA NAMANG CONVICTIONS. As in ZERO!

Pwede na tayong magka-farm sa dami ng itlog sa mga dokumentong ito. Pakshet!

Bakit hindi kaya natin ma-follow up ito boss? Ah, wait. Alam na namin. YOU HAVE 250,000 REASONS WEEKLY kung bakit hindi tayo maka-convict ng kahit isang pirata.

Nakakapag-taka talaga nung biglang nagbago ang mga operasyon namin. Noon, may authority kami na mang-raid ng mga hinihinalang tindahan o producer ng pirated DVDs, basta may sapat na ebidensiya. Ngayon, lahat dumadaan kay Chairman. Kung walang okay niya, walang mangyayari. Yun nga lang, MUKHANG YUNG MGA WALANG PERA ANG LAGING NA-RE-RAID, kasi nga walang pambayad sa KOLEKTOR NIYANG SI JOEY UY. So sa mga nagbebenta ng pirated materials… kung hindi ka naging Santa Claus kay Joey Uy at Chairman Ronnie, tuloy-tuloy lang ang pag-re-raid sa iyo. Ika nga, “only the cash will stop the crash”.

Yung mga malalaking pirata kasi kayang-kaya ang magbayad ng ilang daang libong piso kada linggo. Sabagay, sa laki ba naman ng kinikita nila sa pag-kopya, barya lang sa kanila yun. At siyempre, alam ni Rackets yan.

Mahirap talaga maging pogi ‘no, Ronnie? Pero sulit naman, diba? Madaming pera, maganda asawa, sikat na sikat. Pero mukhang okay na rin kaming ganito; simpleng buhay, hindi ganun kagwapuhan, relaks lang. Malinis naman konsensya namin.

Ay, onga pala. Wala ka nun.

RONNIE RACKETS AT THE OMB

RICKETTS = RACKETS

Sabi ng website ng Optical Media Board  (OMB) na ang  mission and vision namin ay “To help in the development of a booming and robust (optical media) industry in order to be truly competitive in a global community” and to “Attain an economy that is free from optical media piracy where there is a level playing field for all legitimate players.” Matagal na po ako sa OMB. These are more than just words to me — isinasapuso at siniseryoso ko po ang kahulugan nito.

Taong bayan po kasi ang nagbabayad ng sweldo namin. Dapat naglilingkod kami para sa bayan. ANG MASAKLAP, NAGING PUGAD NA NG KURAPSYON ANG OMB. Kami-kami pong mga OMB agents, hindi na namin matiis ang mga pagnanakaw na nangyayari.

Noong na-install si  Chairman Ronnie Ricketts noong 2009, naging aggressive ang  OMB sa pag-raid ng mga pirated media:

SUDDENLY… Ayun! Natagpuan na ang secret base ng kalaban! Yehey! Pero ano kaya ang katotohanan sa likod nitong raid na ‘to?! Pakshet!! Kung alam niyo lang!

Sorry po, pero pakitang gilas lang ito lahat.  Panay pa-pogi lang. Garapal na pagnanakaw ang katapat ng mga raid namin.

Noong May 27, 2010, nag-conduct kami ng  raid sa  C. Palanca, Quiapo. Over 3 million pesos worth of bootlegged DVDs were seized. Ayon sa  news reports (pictured below), tatlong Chinese nationals yung na-arrest sa raid and all the DVDs were confiscated. A total of 127 boxes yung pinadala sa  OMB offices, which was noted sa aming security logs.

Security log transcription: 27 May 2010, 1330H: Truck close van ZMP-608 moved in loaded confiscated pirated DVD & VCD disc 127 boxes (to) truck closed van RGW-474 moved in by driver Raul.

TIGNAN NIYO NGA NAMAN ANG MILAGRONG NANGYARI: Wala pang isang araw ang nakalipas,  ayon sa log, a certain Glen Perez took the RGW-474 truck, which still had the confiscated discs. WALA PANG ISANG ARAW! There has been no word of that cargo, its location or status, since then. Chairman Ricketts: NASAAN NA ANG RGW-474 at ang mga pirated discs sa loob nito??

Security log transcription: 27 May 2010, 2200H: (illegible) Glen Perez & some porters pull out 121 boxes of DVD & CD dish & svc truck RGW-474 Isuzu Elf of High Mktg

BUTI SANA KUNG TRUCK LANG AT PIRATED DISCS ANG NAWAWALA: Anong nangyari sa tatlong arestadong Chinese nationals? Nawala nang parang bula! Chairman Ricketts, ganda ng bagong relo mo a! At ang dami nating pera ngayon a! Buti sana kung swabe kang tumira, Chairman. Problema dadating yung mga tao, paper bag ng pera ang dala. Hindi mo man lang isara yung pinto kapag binibilang mo. Kung nang-iingit ka, boss, SUCCESS! Ayon! Na-iingit kami talaga! Sarap ng may P250,000 kada 2 linggo eh!

Tignan ninyo sa Department of Justice: none of these Chinese nationals (names withheld for security reasons) were charged with anything, nor presented to the DOJ as suspects. PERO NAKNAMPUCHA NA KUHANAN SILA NG MEDIA! Anong nangyari?

In fairness, Chairman, pinuri mo naman kaming mga agents para sa May 27 raid (skip to 5:28 on the video embedded earlier). And, yes, sometimes, ok na yon. Pero walang  follow through sa mga raids. Para kaming naghahanap lang ng susunod na extortion target mo, Chairman.

MAY 27 RAID… ISA LANG YAN. Malalaman din ng publiko tungkol sa mga ibang kwento… WE WILL NAME NAMES AND REVEAL IDENTITIES. Nakakagulat! OMB ginawang smuggling front… Sino-sino ba yang mga nagdadatingan sa opisina na may dalang pera? … at Chairman, baka lang hindi ka naniniwala that we will name names… pag-usapan na lang kaya natin si JOEY CHUA? ABANGAN!

Edit: Joey Chua pala ang pangalan ng bagman, hindi Uy. Salamat sa isa pa naming kapatid na agent sa pagtatama.